Me and My EverChanging Moods

Me and My EverChanging Moods Posted a Photo

genius :)

genius :)

Nabuko tuloy ang tags ko

So sorry nagflood pala ako kagabi.. nagtanga-tangahan lang at sumunod  sa isang instruction sa tags malay ko ba naman kasi, ang worse pa eh ireblog ko ang pic ng hindi ko kilala tapos nagpapa-followback hayyys.. kanina ko lang nakita neways sorry ulit i’ll be careful next time :((

Me and My EverChanging Moods Posted a Photo

umiinspection na ang tamad o, sa loob pa ng fuel tank.. walang magawa padabog na sumunod sa utos ni boss

umiinspection na ang tamad o, sa loob pa ng fuel tank.. walang magawa padabog na sumunod sa utos ni boss

Me and My EverChanging Moods Posted a Video

Hirap din minsan maging anon blogger.. kahit gustong gusto mong makasama ang mga kaibigan mo sa isang kasiyahan ay hindi mo magawa. Nagkaroon sila ng pagkakataong magkita-kita noong nakaraang linggo sa MOA at kahit gustong gusto ko silang makasama ay may ilang bagay na pumipigil sa akin, unang una ay malayo ako sa lugar at ang pangalawa ay wala pa rin akong lakas ng loob makipagkita sa kanila..

Ganunpaman, eto lang ang masasabi ko sa inyo kaymartalexray ann, at irishAng pakikipagkaibigan at tiwalang ibinigay nyo sa  ay sapat na upang mabuo ang aking pagkatao, maraming salamat sa inyo..

Photos courtesy of kaymartilyo

Me and My EverChanging Moods Posted a Photo

Me and My EverChanging Moods Posted a Photo

Sana ginawa na lang akong tagahula ng damdamin mo, para alam ko kung ano ang pinagtatampo mo..

Sana ginawa na lang akong tagahula ng damdamin mo, para alam ko kung ano ang pinagtatampo mo..

Liham

hindi ko alam kung napakababaw na dahilan ito para lumayo muna ako sa yo.. kasi pakiramdam ko nawawalan ka na ng ganang kausapin ako, at nararamdaman ko din na nagiging malamig na ang usapan natin.. ang mga palitan natin ng salitang espesyal sa atin noon ay nagiging parang karaniwan na lang pakinggan at nawawalan ng tamis.. pinilit kong gawin ito kahit mabigat ang loob ko gat may natitira pa kong pagpapahalaga sa sarili ko..

inaamin kong nasaktan ako noong huli nating pag-uusap, binabara mo na ang bawat sasabihin ko, parang wala ka ng gana sa mga kwento ko, na ang tangi ko lang namang gustong gawin ay para lang may mapag usapan tayo at para hindi mapuno ng katahimikan ang mga sandaling magkasama tayo dahil palagi mong sinasabi na wala kang kwento para sa akin..

Hindi ko na alam..  pero pakiramdam ko ay wala na akong maibibigay sa iyong bago, alam mo na ang buong pagkatao ko at ang lahat ng pinagdaanan ko.. hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin para bumalik ang dati mong pagtingin sa akin, ang mga masasayang sandali na tayo lang ang nakakaintindi, ang mga gabing wala tayong pakialam sa oras dahil masaya tayong nag uusap.. mga walang kwentang bagay na pinag uusapan.. ang mga mahihinang bulong at suyuan..

alam kong masama ang loob mo sa ginawa ko pero eto lang ang alam kong gawin sa ngayon… kung itatanong mo kung mahal pa ba kita.. hinding hindi magbabago yun, ikaw pa lang ang minahal ko ng ganito at gaya ng naipangako ko, ikaw pa rin ang mamahalin ko hanggang sa huli.. kung alam mo lang kung ano ang bigat ng loob na dinadala ko ngayon, hindi ko kakayaning mawala ka ng kahit isang sandali sa buhay ko.. sorry dabs ah, basta mahal na mahal kita palagi hindi magbabago.. ingat ka.. hanggang sa muli..

“it’s better to love and lost than to never have loved at all”

hindi ko makita ang logic sa ‘two weeks di nakakapag-update ia-unfollow’?

Pagsubok sa katatagan ng pagsasama, kusa namang dumarating yan at hindi kayang iwasan kahit sabihin pang ginawa ito ng langit para sa inyong dalawa. Nasa atin na lang yun kung padadala tayo dito o mananatiling mahigpit ang pagkakahawak ninyo sa isa’t isa.

Pagsubok sa katatagan ng pagsasama, kusa namang dumarating yan at hindi kayang iwasan kahit sabihin pang ginawa ito ng langit para sa inyong dalawa. Nasa atin na lang yun kung padadala tayo dito o mananatiling mahigpit ang pagkakahawak ninyo sa isa’t isa.

Wala akong Maisip na Title

Nakita ko ang isa sa dating kaopisina ko kanina habang nagsisimba ako, syempre dahil ako talaga yung  tipong takbuhan ng problema.. naikwento nya sa akin na iniwan na sya ng kanyang asawa  at sumama na sa iba at nabalitaan nyang two months pregnant na ngayon, naiwan sa kanya yung limang anak nya.. Habang nagkukwento sya sa akin di nya mapigilan ang mapaiyak lalo’t ngayong wala syang trabaho.. sa tindi ng awa ko sa kanya naibigay ko tuloy ang two hundred pesos ko sa bulsa na sanay pampagupit ko, meron pa naman sanang one thousand pesos sa wallet ko pero parang ang bigat namang bitawan tama na yung P200 siguro pwede na syang makabili ng isang kilong baboy nun damihan nya na lang ng sabaw..

Naisip ko din na baka kaya pinagkrus ni Lord ang landas namin para paalalahanan akong wag ka munang magmadaling mag asawa, gusto mo bang mangyari sa yo yun? Saka next week ka na magpagupit mas cute ka pag mahaba ang buhok.

Okay.

Hayyy..

May simbahan sa likod bahay namin, kaharap ng palikuran., so alam mo na siguro ang feeling pag nakaupo ka sa trono tapos bigla silang nagpapalakpakan.

Success!

Para Sa Yo

Sa iyo ko lang naramdaman kung gaano ako kahalaga 

nandyan ka palagi at nakikinig kahit minsan wala ng kwenta ang mga pinagsasabi ko..

nandyan ka palagi sa pag may problema ako, yung minsan nawawalan na ako ng pag-asa, ikaw yung nagbo-boost ng self steem ko at nagsasabi sa akin palaging kayang kaya mo yan

Nandiyan ka din palagi pag may nararamdaman ako at buong pag-aalalang magsasabing “pagaling ka ha? ”at magtatanong sa akin kung ayos na ang pakiramdam mo.. 

Sa iyo ko lang din naramdaman kung gaano ako ka-importante 

ang pagbantay mo sa akin hanggang makatulog ako at pagtapos nun ay ang boses mo ang unang unang  maririnig ko paggising, kasabay ng palitan ng matatamis na salitang sapat na para bumuo ng umaga ko..

kung paano kang magtampo sa mga maliliit na bagay katulad ng hindi ko pagpapaalam sa iyo sa mga pinupuntahan ko at ang hindi ko pagtawag sa iyo sa oras…

kung paanong parang puzzle kong isosolve ang mga pagseselos mong nasa lugar naman…

at ang paghanap mo ng lugar para maganda ang signal ng telepono habang nag uusap tayo..

Hindi man ako perpektong tulad ng nababasa at napapanood mo, pero iisa lang ang mapapangako ko sa yo.. na nandito lang ako palagi para sa yo, sabi nga ng idol kong si Tom Cruise “ikaw ang kumumpleto sa akin..”

Maligayang araw sa atin.

Aksidente

Pauwi na kami galing kami sa isang pyestahan kahapon ng tinext ko si Bidabs at sinabi kong nakabalik na ako ng opisina pero ang totoo nasa highway pa lang kami gamit ang sasakyan ng kasamahan ko.. nasabi ko yun sa kanya para wag na syang mag alala sa akin at isipin nyang nakabalik ako ng maayos, pero hindi ko pa rin maalis sa sarili ko ang isiping paano kung naaksidente ako sa daan at may nangyari sa akin gayung pinapangunahan ko na agad ang pangyayari..

nasa alalahanin akong ganun wala pang isang minuto ng bigla kaming banggain ng isang kotse na paliko patungo sa direksyon namin, biglaan ang pangyayari at mukhang balak pa yata akong tumbukin sa lugar kung saan ako nakaupo. Buti na lang at mabilis mag-isip ang kasamahan ko at naikabig nya ng bahagya ang sasakyan na tuluyang nagligtas sa akin sa kapahamakan, wala namang nangyaring pinsala sa aming tatlo bagama’t naalog kaming tatlo at konting pagkahilo siguro dahil sa impact. Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari sa akin nung oras na yun dahil naunahan ako ng hiya sa aking pagsisinungaling sa kanya, bagamat ikinuwento ko rin sa kanya kinagabihan.

Siguro sabi ni Lord hindi mo pa oras ngayon marami ka pang dapat gawin.. Tulad ng…. nilulumot ka na sa tumblr di ka pa rin nagpapakilala :))